23/10/2024
PAALALA
NO PETS LEFT BEHIND.
Bilang pag hahanda sa parating na Bagyong Kristine, siguruhing kasama din ang inyong mga alagang hayop sa Evacuation Plan ng inyong pamilya.
Para sa mga alagang pusa at maliliit na a*o, mabuting magkaroon ng pet crate o carrier para sa pag evacuate. Maaari ding gumamit ng palanggana o plastic laundry basket sa emergency evacuation. Magdadala ng mga animal cages ang aming tanggapan sa evacuation camp ng inyong lugar.
Mag handa ng inyong “Go Bag.” Isang bag o backpag na may nilalamang pagkain, gamot, at tubig para sa pamilya at mga alagang hayop.
Kung sakaling magkaroon ng evacuation at hindi na maaaring maisama ang mga alagang hayop, mas mabuting alisin ang mga ito sa pagkaka-tali o pagkaka-kulong.
Stay safe, Las Piñeros!
Para sa dagdag impormasyon, maaaring tumawag sa:
☎️ 02 8255 2911
Animal Health and Welfare Services
📲 0965 653 6449
Animal Control Services
📲 0931 205 1715