01/05/2025
Opisyal nang sinimulan ng CSG - Comelec ang 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐢𝐝𝐚𝐜𝐲 ngayong araw, 𝐢𝐤𝐚 - 𝟑𝟎 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa tanggapan ng 𝐀𝐟𝐟𝐢𝐥𝐢𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐍𝐨𝐧𝐜𝐨𝐧𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐕 𝐬𝐚 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐨𝐧 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠.
"Nakikipag-communicate din kami sa both offices and organizations sa iba't ibang sektor sa unibersidad, nang sa gayon ay mai-finalize natin at ma-interview natin kung ano yung dapat natin ma-innovate sa term natin," ayon kay CSG-Comelec Chairperson Raynand Reyes ukol sa kanilang paghahanda sa kabuuang termino ng pagbabantay ng eleksyon.
Ang mga kwalipikasyon at dokumentong kailangang isumite ng sinumang mag-aaral na nagnanais tumakbo ay nakasaad sa 𝐈𝐤𝐚-𝟐 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟒 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐤𝐬𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝟏, 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟓, o kilala rin bilang 𝐈𝐦𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐑𝐮𝐥𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 (𝐈𝐑𝐑) ng CSG Commission on Elections (COMELEC).
via Ash Pino, Angela Duay, Karla Mae Neo, DissClose