24/04/2026
Tapos nanaman ang work week, Salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik!
Sharing some of our sulit sarap best sellers this week dahil hindi lang mula sa kalan ang init sa aming kusina , ramdam din namin ang hamon ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap at bilihin sa mundo. Pero kahit ganun paman ay patuloy ang lang aming team para masigurong sulit ang bawat orders ninyo.
Dahil sa recent global events, hindi madali ang panahong ito pero kapag nakikita namin ang mga suki naming nakangiti at naririnig ang "Ang sarap!", nawawala ang lahat ng pagod namin.
Sa aming mga loyal customers na hindi kami iniwan sa kabila ng mga pagbabagong ito: Maraming salamat po. Hindi lang kayo basta customer; kayo ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy ang kabuhayan ng aming mga staff. Maraming salamat po muli! God bless you all po!
Kain po tayo, tarakits po dito sa 3js! 🍲