10/09/2026
π’ πππππ ππππππππ ππππππ
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga sangkap at iba pang gastusin, pinanatili namin ang aming mga presyo mula noong nagsimula ang Along D Road Silog. Hanggaβt kaya namin, ayaw sana naming magtaas.
Pero sa halip na tipirin ang ingredients, bawasan ang serving, o isakripisyo ang kalidad ng pagkain para lang mapanatili ang dating presyo, napagdesisyunan naming magkaroon ng kaunting price increase sa ilan naming menu.
Hindi naging madali ang desisyong ito, pero gusto naming makasiguro na patuloy naming maihahain sa inyo ang masarap, sulit, at dekalidad na pagkain na inyong nakasanayan at minahal.
Kaunting adjustment lang po ang magiging increase, pero pangako namin na sulit na sulit pa rin ito sa presyo, serving, lasa, at quality ng pagkain na inyong matatanggap. β€οΈ
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa Along D Road Silog. Ang bawat order ninyo ay malaking tulong para makapagpatuloy kami at mas mapaganda pa ang aming serbisyo.
Effective September 14, magkakaroon na po ng updated prices sa aming selected menu items.
Maraming salamat, mga ka-Along! β€οΈ