14/09/2022
Isasakatuparan ng grupong PROJECT HOPE ang isang leadership seminar workshop para sa mga kabataan sa lungsod ng Olongapo na magaganap sa darating na Biyernes, Setyembre 16.
Ito ay gaganapin sa Olongapo City Convention Center- SM Central (SMX) na naglalayon na hubugin ang mga young advocacy leaders sa nasabing lungsod.
Ang nasabing workshop ay bukas para sa lahat ng kabataan na nasa Grade 9 pataas ay kailangan na naka-enroll kahit saan paaralan sa Olongapo o miyembro ng kahit anong youth organization.
Tatalakayin sa workshop ang apat na paksa, Basic Concepts of Leadership, Government Programs for the Youth, Youth Empowerment, and the SHIFT to SERVANT Leadership.
Maaring mag-register gamit ang link na ito: http://bitly.ws/tTid
Para sa karagdagang impormasyon maari na lamang pumunta sa link: https://www.facebook.com/projecthopeolongapo/posts/2193748194136986