01/05/2026
Maraming Salamat, mga Ka-Muybien! 🔥🇵🇭
Sa pagdiriwang ng aming ika-2 taon dito sa MUYBIEN IHAW IHAW, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kaming naglilingkod at naghahain ng masasarap na ihaw-ihaw para sa bawat pamilya at barkada.
Ngayong Labor Day, binibigyang pugay namin ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino—lalo na ang aming team na araw-araw nagbibigay ng best service, at sa inyo na patuloy kaming tinatangkilik.
Hindi magiging posible ang 2 taon na ito kung wala kayo. Mula sa puso namin, MARAMING SALAMAT! ❤️
Tuloy-tuloy lang ang saya, kainan, at samahan dito sa MUYBIEN IHAW IHAW! 🔥🍢