02/07/2025
I can’t put into words the sadness, but again I already surrender to god.
— Jeremiah 29:11 🫶🙏💖
Live selling is our bread and butter. It gave us more than what we can imagine. Na-save kami sa pagkakalubog. Mga panahon na yung pagod parang kasiyahan yun, kasi na-sustain lahat ng needs. Pero sabi nga nila, nothing stays the same forever.
Hindi ako naka-cope sa ever-changing market at hindi nakasabay sa algorithm ni meta.
In short, na-stuck ako, naiwan, na-lost at tuluyan nang humina ang live selling. Hindi na ko maka-bounce back mga madzam, nahirapan, feeling incompetent.
Akala ko noon kapag gusto at mahal mo ang ginagawa mo, okay na. Pero hindi pala sapat, lalo na kapag ito ang nag-iisang bread & butter mo.
Ang dami kong sinasabi no? Nais ko lang po sabihin na, ititigil po muna namin ni admin J ang live selling, ang pagbebenta ng mga damit. Hanggang kailan? Hindi ko pa din po alam. Tuloy po ang posting ng ibang mga items kapag may bagong product na pwedeng i-offer. Kailangan po namin gumawa muna ng ibang bagay kung saan kami MAS MAKAKAKUHA ng para sa KABUHAYAN namin. Kahit napaka-lungkot, pero dating gawi, sinurrender ko na lahat kay LORD. 🙏
SAMAHAN PO NINYO KAMI NI ADMIN J SA LAST TWO DAYS NG PAUBOS SALE. Tomorrow THURSDAY and FRIDAY AT 8PM. 🕗
Bagsak price na po ang mga items mga mam, kung may interested po sainyo sa mga items na “FOR TAKE ALL” mas mababang price. PM lang po kayo sa page. 🫶
See you mga madzam! Maraming salamat po.
Love,
TheSassyHue 💖