05/09/2023
'People buy from the people they trust'
A car sales agent shared a heartwarming story about trust and a friend who first became his client.
"2 years ago, I was with Nissan (Yes, for only 7 months). A short but a fruitful ride with that brand! ❤️
"Habang naka duty ako sa showroom, may isang customer na pumasok. He was on his late 60’s, wearing slippers, old maong pants, long sleeves and a face towel on his shoulder. The typical operator, driver na porma kung titingnan mo.
"Lumapit ako sakanya, naka formal showroom attire. Binuksan ko yung pintoan at binati ko ng buong ngiti. “Ikaw po ba ang Manager dito?”, sabi ko “hindi po”, ako po yung naka duty ngayon na mag a-assist sa’yo. Sabi niya sa’kin akala niya daw walang lalapit sakanya kasi galing daw siya sa kabilang dealer hindi siya pinansin. Baka daw mukha siyang hindi bibili, kaya yung kasunod niya daw na pumasok ang inasikaso nung ahente. Sabi ko sakanya, “Sir kahit naka formal attire ako, wala akong pinipili na customer na pumapasok. Everyone that enters this door is our VIP”. Yan ang palagi kong sinasabi sa mga nag aalangang mag inquire lalo na pag palagi nilang pinupuna kung gaano ako ka pormal at professional mag entertain.
"Nag inquire siya ng pick up, gusto niya yung manual lang daw at hindi de pindot ang pag start pero maganda ang performance. Alam ko na agad kung ano iooffer ko sakanya at ininvite ko na kaagad sa transaction table to discuss the unit and offer further. Hindi siya nag decide agad kasi kailangan niya daw muna kausapin asawa niya, katatapos lang daw nila bayaran yung SUV na kinuha nila at gusto niya ng bagong pick up. Pero first time niya mag Nissan kaya kailangan nila pag usapan dahil hindi pa nila subok ang brand. Kapag lumabas siya ng showroom na wala ako nakuhang proof of sale, malaki ang posibilidad na hindi ko sila makuha dahil maraming ka kompetensya sa labas. Sinabi ko kay customer na pupuntahan ko siya kinabukasan sa bahay nila since holiday naman, kausapin ko din ang asawa niya for me to discuss our product and offer personally. Pumayag naman si Sir at binigay sakin yung address at kung ano ang sasabihin kung sakaling mag tatanong tanong ako. “Sabihin mo lang sa garahehan ni Ping-Pong”.
"Pag punta ko sakanila mejo nawala ako, nag tanong ako sa mga nakatira sa malapit at sinabi ko lang yung Ping-Pong. Maya maya may nakasalubong akong dalawang Dump Truck na Ping Pong ang pangalan, eto na siguro yung sinabi ni client na Ping Pong. Pag pasok ko ng malaking gate na p**a, may nakita pa akong bus at mga truck sa loob. Hauling at Transportation pala ang negosyo nila. Humble lang si Sir, at ayun nakita ko na naman na may towel sa balikat at puno ng grasa ang kamay.
"To cut the story short, yung doubt nila sa brand naalis natin. Nakuha ko yung tiwala ng mag asawa sa ginawa kong pag bisita. Ilang oras bago ko sila na kumbinse. Nung napa-approve ko ang loan application nila, saka lang sa’kin sinabi na ako lang daw ang ahente na bumisita sakanila at nakuha ko daw ang loob nila sa salesmanship na meron ako na hindi nila nakita sa iba.
"They ended up buying 3 units from me at nagkaron pa ng mangilan-ngilan na referral. At nung nalaman nilang bumalik ako ng Hyundai, isa lang ang sinabi sakin ni Sir “George wag ka mag alala, kahit saang brand ka sa’yo ako palagi. Ang tiwala ko sa’yo hindi dahil sa brand kundi dahil sa’yo mismo”. Naluha ako pagkatapos niya akong tawagan. He became a good friend and until now tumatawag para lang mangamusta.
"The drill is to entertain every customer that enters the dealership. Wala sa itsura at sa kasuotan ang basehan ng isang customer na bibili, kundi sa kung paano natin sila inasikaso. Isa sa pinaka masarap na feeling ng pagiging car salesman kapag na convert natin yung isang brand lover sa brand natin dahil sa customer experience at salesmanship na pinamalas natin.
"Totoo nga na “People Buy from the People they Trust”.
Photo and Story by CarSalesman (Facebook)