19/07/2026
DAY 35 — BUHAY.
Isang linggo matapos dumaan si Bagyong Inday—salamat, dumaan lang at walang iniwang pinsala—nakabalik ako sa bukid.
Tapos nakita ko 'to: 'yung azolla na tuyot buong dry season, nakadikit na lang sa dumi ng baka. Akala ko wala na.
Pitong taon na siyang bahagi ng farm.
Buhay pala. Hinintay lang ang ulan.
Kaya trabaho ulit. May binubuhay pala kami pareho. 🌱