06/04/2026
ANDAYA AT MAHARLIKA HIGHWAYS, NAGA AIRPORT AT TRAIN UPDATES 🤔
Marami sa atin babyahe na naman muli paalis at pabalik sa Metro Manila after the Holy Week break mula sa Bicol. Noong isang araw pa may mga nagtatanong at hanggang ngayon may nagtatanong pa rin: kumusta kaya yung mga daan at modes of transport natin. Heto po yung updates:
1. ANDAYA AT MAHARLIKA HIGHWAYS 🛣️
- Medyo ok yung daan ngayon dahil sa patuloy na repairs;
- Nakukuha nang 9 oras ang byahe mula sa dating 12 o mahigit na oras kung simula sa Naga papuntang Cubao o pabalik
- Babantayan natin yung paparating na massive rehabilitation na ipinangako ni Secretary Vince Dizon at Pangulong Bongbong Marcos 😊
2. NAGA AIRPORT 🛫
- Bad news sa mga taga Naga at Camarines Sur dahil mula Abril 2026 re-directed na ang byahe sa Clark International Airport;
- Wala na ang Naga Airport-NAIA vice-versa flight. Last flight na noong March 28 sa rutang ito.
- Kung gusto natin na NAIA ang baba o arrival, sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay sasakay.
- Parehong malayo at mas mahabang travel time para sa ating mga byahero, Parehong pahirap sa mga taga Camarines Sur. Magtitiyaga ka na lang muna talaga! 😡
3. TRAIN 🚉
- Wala pang magandang balita para sa pagsasaayos ng existing na linya at mga bagon;
- Mas lalong walang balita dun sa bullet train;
- Train muna raw yung patience natin; 🤣
- Pero kidding aside, nangangailangan talaga tayo ng mga nasyonal lider na may totoong malasakit at pagmamahal sa Bicolandia. 🤟🫶