12/05/2026
Happy fiesta! 🎊
We are closed today May 12, 2026. See you tomorrow ❤️
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚, 𝐈𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠-𝐀𝐦𝐩𝐨𝐧!
Atin ngayong ginugunita ang ika-163 Dakilang Kapistahan at ika-3 taon ng Coronación Pontifical ng ating mahal na patrona, MARIA, INANG MAPAG-AMPON. Idalangin natin ang ating mga kahilingan sa Panginoong Hesus sa tulong at pamamagitan ng Mahal na Ina.
PANALANGIN SA INANG MAPAG-AMPON
Mariang dakila at katangi-tanging nilikha ng biyaya ng Diyos, ibinigay mo si Kristo para sa sangkatauhan. Nawa’y si Kristo ay maipakilala namin sa aming pamilya, sa aming sambayanan at sa buong bansa. Nawa’y maging bahagi rin Siya ng pagsisikap ng bawat tao.
Bilang pinakaganap na alagad ni Kristo, palakasin mo ang aming kalooban sa pagbabata ng krus ng tiisin at hapis. Bigyan mo ng kalusugan ang mga maysakit, kasiyahan ang mga dukha, tiyaga at pag-asa ang lahat ng binabaliwala at tinatanggihan ng mundong ito. Ina ng Diyos, ikaw ang tunay na Inang Mapag-Ampon para sa aming lahat. Ipanalangin at gabayan mo po ang mga makasalanan na magbalik-loob at magbayad-puri. Tulungan mo kaming mga alagad ng iyong Anak na maging malinis ang budhi at layunin na makiisa at makipagtulungan na maisabuhay ang Mabuting Balita ng pag-ibig at kapayapaan, ng katarungan at katotohanan. Amen.
𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔, 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗠𝗣𝗢𝗡,
𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪.
Viva la Virgen! Viva la Virgen de los Desamparados de Muntinlupa! Viva Amparo!