03/07/2026
⚠️ AWARENESS SA MGA GUMAGAWA NG FAKE ORDERS
Hindi biro ang ginagawa ninyo.
Sa bawat fake order, may isang negosyong nagsasayang ng oras, pagod, puhunan, at pagkakataong kumita nang marangal.
Habang kayo ay natatawa o naglilibang, may mga taong maagang gumigising, naghahanda ng order, bumibili ng supplies, nagbabalot ng produkto, at umaasang maayos na maihahatid ang pinaghirapan nila. Pagdating sa address, malalaman na lang na matagal ng umalis ang taong yon at hindi man lang inisip ang kapwa. Maayos ang profile at usapan bago ifinalize ang orders.
Hindi ito simpleng prank. Hindi ito katuwaan. May mga pamilyang umaasa sa bawat benta para may maihain sa hapag-kainan. Ang bawat fake order ay direktang kabawasan sa kita at dagdag na pasanin sa mga taong nagsisikap lang mabuhay nang marangal.
Kung wala kayong balak umorder, huwag na lang kayong manggulo. Ang ilang minutong kasiyahan ninyo ay maaaring maging dahilan ng malaking perwisyo sa isang maliit na negosyo.
Sa kapwa ko business owners, doblehin natin ang pag-iingat. Mag-verify ng customer details at huwag matakot magpatupad ng mas mahigpit na proseso kung kinakailangan. Mas mabuting mag-ingat kaysa paulit-ulit na mabiktima.
At sa lahat ng nagbabasa nito, sana ay ipaalala natin na ang pagnenegosyo ay hindi laro. Bawat order ay may katumbas na oras, pagod, puhunan, at pag-asa.
Respeto lang ang hinihingi namin. Hindi kami humihingi ng awa—humihingi lang kami ng respeto sa aming marangal na paghahanap-buhay.