09/02/2024
Thank you
Salamat Roda sa paggawa ng mga neck collar tags... kahit na hindi madali ang pagdikit at hindi kalakihan ang bayad ay tinuloy mo pa din ang pag tanggap sa mahirap na task na ito. Anuman ang iyong personal na dahilan kaya ka nagsusumikap na magtrabaho at kumita, ang naa appreciate namin ay ang ginagawa mo pag titiyaga at sakripisyo para umusad ang job na ito. Matagal na din kasing order yan at ayaw sana namin matigil ang paggawa. Kaya lang dahil sa madalas na pag "holiday" ng mga dapat sanang regular na araw, napipilitan ako na gumawa ng hakbang para lang maisalba at maituloy ang trabaho natin. Thank you sa hindi pag iisip sa ikalulugi at bagkus ay sa kung ano ang makukuhang kahit paano ay biyaya sa maliliit na trabaho. Sabi nga "pagpalain ang mga naghihirap at nagtitiyaga" kaya heto Roda... π kapag may tiyaga, may......
At gaya nga ng Sabi ni Roda "mahirap yun trabaho, pero wala namang kita kung walang trabaho" ....sana ma inspire mo mga tao sa lahat ng uri ng negosyo... na lahat ng gawain ay importante....