08/06/2025
โผ๏ธ MAG-INGAT PO TAYO โผ๏ธ
MODUS NG MGA MATATANDANG BABAENG BUDOL SA KKOPI.Tea (Horizon St.)
๐ Huling nakita: Dumaan sa Stardust St. SSS Village
Nakakalungkot man sabihin, pero may tatlong matatanda na magkakasama, dalawa dito ay mga babae pa na bumudol sa aming maliit na negosyo kanina bago mag10pm. Hindi ko mawari kung anong klaseng konsensya ang meron sila. Sa edad nilang iyon, imbes na maging ehemplo ng kabutihan, gumagawa pa rin sila ng mali. Mas masakit isipin na yung perang kinuha nila, baka ipapakain pa sa pamilya nila perang mula sa panlalamang sa kapwa.
Narito po ang nangyari:
๐งโโ๏ธ Suspect 1 (nakasuot ng green shirt):
Umorder ng 3 drinks at nagbayad gamit ang โฑ1,000 fake bill. Habang nag-oorder siya, bigla namang sumisilip si Suspect 2 (nakasuot ng floral blouse, initially walang facemask) at nagtatanong-tanong, halatang ginugulo ang barista para mawala ang focus.
Matapos makabayad si Suspect 1 kinuha ang order at umalis, si Suspect 2 naman ang umorder ng hiwalay, nag-facemask na siya sa puntong ito pero sorry po, kuhang-kuha na po kayo sa CCTV.
๐ง Suspect 2:
Nagbigay rin ng โฑ1,000 polymer bill pero buti na lang walang panukli kaya ibinalik sa kanya. Naghanap pa ng tip box at naglagay ng โฑ20, sabay utos na ipagpatuloy daw gawin ang order niya, kunwari babalikan pero technique ito para lalong ma-busy ang barista at hindi na mapansin na fake pala ang binayad ng naunang kasama.
Hindi na rin bumalik si Suspect 2 para kunin ang order pareho sila ng nilakad ni Suspect 1, lumiko sa Stardust St.
๐งโโ๏ธ 3rd Suspect:
May isa pa silang kasamang lalaki na sumilip pa sa counter habang kaguluhan ang eksena kay Suspect 2.
๐ข Pakiusap po:
Kung sino man po ang nakakakilala sa kanila, pakisabi na bumalik sila at bayaran ang โฑ1,000 na kinuha nila sa marangal naming negosyo. Maraming paraan kung paano nyo ibabalik ng di kayo nagpapakilala.
Kami po ay maliit na coffee shop bawat kita ay pinaghihirapan ng aming staff. Nakakadurog ng puso na sa ganitong paraan pa kami naloko. Kung makikita nyo maari kayong tumawag sa Brgy dahil sila ay nakablotter na.
Sa mga kababayan po natin, maging alerto po tayo sa ganitong modus. Kahit matanda o mukhang maamo, hindi ibig sabihin ay may mabuting intensyon.
Salamat po sa mga magsheshare ng post na ito. Sana po matulungan niyo kaming maabot sila. ๐