14/10/2015
TOXIC IN LIFE
Na feel mo na ba minsan na may time na mas toxic ung work week mo ngaun kaysa nung nakaraan?
Napangakuan ka na ba ng isang tao only to be dissapointed by that person because he/she failed to keep his/her promise?
Toxic ka na ba sa Boss mong maraming unrealistic demand pero di ka nman kino commend for a job well done?
Pagod ka na bang makipag siksikan sa MRT/LRT at pumila ng mahaba.. Ung tipong umalis ka ng bahay nyong bagong paligo pero paglabas mo ng tren mukha ka ng haggardo versoza?
Sawang sawa ka na bang kumausap sa 50 customers over the phone at masigawan dahil may mga issue sila at kailangan mong mag isip ng solusyon sa problema nila, kahit ikaw nman din mismo may mga sariling problema na wala pang solusyon?
Ayaw mo na ba minsan manood ng balita dahil minsang nakapanood ka puro patayan, holdap-an at krimen lang, walang masyadong good news?
Eh ung tipong nakabisado mo na ung mahigit tatlumpu't limang kanta sa playlist mo, nakapag move on ka na pero ung traffic sa Edsa di pa rin nakaka move on?
Pigang piga na ba ung braincells mo kaka isip kung pano mapapa ganda at mapapansin ung report/assignment mo pero di mo pa rin nakuha ung highest grade para dun, o di kaya ung promotion na pinapangarap mo?
Naka isandaan ka na bang injection ng glutathione at 500 piraso ng pills sa tatlong buwan para lang kuminis at pumuti ung balat mo pero wa epek pa rin?
Namomoblema ka na ba ngaun sa allowance mo kc ung binigay sau na allowance ng nanay mo na good for one month, naubsos na in 2 weeks lang dahil sa kaka laklak nyo ng kape at milk tea ng mga kaibigan mo?
Napapagod ka na ba dahil halos dalawang oras ka ng nag r-review di mo pa rin maintindihan ung Asset at Liablity pati ung mga formula ng accounting?
Ayaw mo na bang magmahal uli kasi minsan ka ng napa asa at nasaktan ng minahal mo?
Hay.. Toxic no? Toxic thoughts, Toxic situations, Toxic people.. Ilan lang yan sa mga kinakaharap natin everyday. Ano nga ba ang solusyon sa mga yan mga ate at kuya? Eto na nga, It all starts with the mind! Renewing of the mind lang, kaibigan. Tanggapin na may mga bagay na di natin ma k-kontrol katulad ng issue sa MRT, mga boss at professor natin. Ganun talaga, part of what we called Life. Mahalaga ung attitude natin sa mga un, tandaan: Nakaka pangit ang stress, kaya wag ka ng ma stress. Magingthankful because we still enjoy one of the blessing of God-that is being alive. Palitan ang mga stress ng mga bagay na dapat ipag pasalamat, and you can say goodbye to the toxics's of life! Have a toxic and stress free day to you, kaibigan! :)