18/12/2023
PROTIPS - December 18, 2023
When Things Don’t Make Sense
By Maloi Malibiran-Salumbides
Minsan ba ay parang walang logical explanation ang nangyayari sa iyong trabaho? Masipag ka naman pero bakit hindi mo pa rin mameet ang goals mo? Mahusay ka namang rmakipagkapwa pero bakit target ka pa rin ng mga usap-usapan diyan sa opisina ninyo? Sinusunod mo naman ang instructions ng boss mo pero bakit parang kulang pa rin ang effort na iyong naibigay sa kumpanya? Sa totoo lang, maraming bagay naman talaga ang mahirap maipaliwanag. But when your situation doesn’t make any sense, I am sure that God is doing something important. So we better be still, listen and learn.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ang sabi sa Isaiah 55:8-9, "“For my thoughts are not your thoughts neither are your ways my ways,” declares the Lord, “As the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways and my thoughts than your thoughts.” Kapag mahirap maunawaan ang sitwasyong kinahaharap mo ngayon, isipin mong ang kaparaanan ng Diyos ay palaging mayroong mabuting ibubunga. So what do we do when things don’t make sense in our lives and our work?
1) Trust God. Kung hindi mo maintindihan ang mga nangyayari sa iyo, sa Diyos mo ilagak ang tiwala mo. Ang panahon at ang tao ay nagbabago, pero ang Diyos ay mananatiling totoo sa kung sino Siya. God is unchanging. His Word remains true and consistent. Kaya pede tayong magtiwala sa Kanya.
2) Stay Put. Huwag kang agad-agad aalis o magreresign dahil sa hindi mo naiintindihan ang ginagawa ng mga boss ninyo. Unless it is the Lord who tells you to go, don’t go. God is not after our comfort but our character. At kadalasan ilalagay Niya tayo sa mahihirap na sitwasyon upang matuto at tumatag tayo.
3) Learn as Much as You Can. Ano ang mga pwede mong matutunan sa mga sitwasyong hindi mo maintindihan at hindi mo kontrolado? Maaari Kang matuto ng kababang-loob o humility. Knowing that there are many things which are beyond your control. Pwede ka ring matutong unawain ang iba. Minsan, parang walang sense ang sang pangyayari dahil hindi ito ayon sa gusto mong mangyari. Instead of forcing others to see things the way you see it, learn to understand where others might be coming from.
Maraming oportunidad na nagbubukas para sa atin when things don’t make much sense. There’s the opportunity to trust God, to be still and to learn as much as we can.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!