26/09/2025
si leods na bahala 😎
Mensahe mula sa inyong old stunna.
Ganito ko raw kayo kausapin. Sabi ng mga kabataang staff ko. Para matawid ang “generational gap”
Para saan ang tapang mo, genggo?
Sa mga nagdaang linggo, naging matindi ang abuso at pandarahas ng estado sa mga kabataang nagtungo sa Mendiola. Bahagi man sila ng middle class na college student, o mula sa ibaba ng mga istrukturang panlipunan at binabansagang “utak-adik”, “lumpen”, “gang-member”, atbp.
Tama ang nagliliyab na pagmamahal sa masa at sa bayan. Wastong kasuklaman ang mga korap. Pero hindi sapat ang galit at “silakbo ng damdamin”.
Ang taumbayang nagsisimula nang mamulat at kumilos noong Sept 21 ay kailangan nating makakakampi. Kung hindi, madali tayong dadahasin ng mga elitistang trapo (at kapulisang ginawang lantad na berdugo ng madugong “War on Drugs”).
Tara na mga sah, tignan natin kung tatagos ba at tunay tayong mga G!
Sa kabataang nasa iskwelahan, puwede niyong i-tap ang SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan.
Sa mga kabataang manggagawa, pwede kayong sumali sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino.
Alone, we are weak. United, we are strong. Fighting as one, we will win! Ganyan ang solid na bitaw ng nagkakaisang hanay ng kabataan, manggagawa, at mamamayang Pilipino. Parusahan lahat ng korap!