25/10/2022
ABA. GOOD MORNING!
______________________
Monday na naman!
May allergy yata ang halos 72% ng population sa salitang "Monday".
Yung iba satin, Monday ang start of the week, (Start ng klase, work, activities, etc.) Yung weekend natin ay parang 10mins lang dumaan, tapos eto Monday na naman.
And we all wanted to rest for a little bit more. (Yes, ako din.) Gusto nating lahat na kung pwede, dalawang beses magSunday sa isang linggo. (Tue, Wed, Thu, Fri, Sat, Sun, tas Sun ulet. HAHAHA. paladesisyon!)
Pero kanina, nakatulala ako sa sala namin. (nagising kase ako ng 12:30AM) ~ nakita ko ung uniform ng pamangkin ko na hindi pa plantsado. Kako, maiprepare na nga 'to bago pa mag5AM, at habang hinahanap ko ung plantsa..
Naalala ko ung Genesis 1. "The Creation".
For the first 5 days, God created light, the "sky.", dry ground and gathered the waters, the sun, moon, and the stars, every living creature of the seas and every winged bird.
Ginawa ni Lord ang isang PERFECT na mundo sa loob ng limang araw.
And on the 6th day, God created HUMANS. ~ in His own image. (cool diba?)
Isang Perfect na Mundo, para sa perfect na Creation. (Humans)
So, mapapaisip ka din..
Ginawa ni Lord lahat bago Niya likhain ang tao.
Kumbaga prepared na, bago ka pa man dumating.
EVERYTHING that we need is already set before us. Ang cool ng Lord ano?
Kaya naman, may this be a reminder that whatever the new Week holds, God is holding you tighter.
Mas malaki ang Diyos kesa sa problemang kinakaharap at haharapin mo.
Naiprepare na Nya ang buong araw/linggo para na ito sayo.
Kahit pa puyat ka ng puyat jan kakahintay ng reply ng crush mo..
The Lord already knows what you need for the week,
- kung need mo ng lakas, ready Siyang magbigay ng lakas para sayo.
- kung need mo ng tapang, nakaprepare na din Syang bigyan ka ng tapang.
And all you need to do is TRUST in His plans for you.
(AT wag na din magpuyat kung hindi ka naman kumikita sa pagpupuyat mo. haha.)
Ayun lang, 3AM na.
Matulog na kayo.
Ako naman, maghahanap pa ng plantsa.
GOOD MORNING!
HAPPY MONDAY, Humans!