18/02/2025
‘HEY THERE, MANILA!’
British-Australian singer na si Ruel, nag-post ng mga larawan tampok ang pagbabalik niya sa Pilipinas para sa kanyang mall show bukas sa Taguig.
“Hey there manila, might do something wild and drop the tracklist at the show tomorrow,” caption nito sa kanyang Facebook post.
Marami namang netizens ang nagbahagi ng kani-kanilang mga reaksyon sa naturang post.
“Kawawa ka naman hindi mo ako makikita,” pabirong komento ng isang netizen.
“Si idol painkiller when my brain gets bitter pala to eh,” hirit pa ng isa.
(Facebook/Ruel)