05/04/2024
Sa loob ng sampung araw, hindi maipagkakaila ang napakalaking suporta at pagmamahal na ibinigay ninyo, mga Ka-wrappers. Sa bawat ngiti ninyo tuwing natitikman ang aming produkto, ay busog na busog ang aming mga puso sa saya. Ang inyong mga walang sawang pag suporta ang nagbigay lakas at inspirasyon sa amin upang patuloy na pag-igihan at pagsipagan ang pagtitinda.
Ang buhay ay punong-puno ng mga tanong na bakit at paano- subalit itong ating samahan ang isa sa mga bagay na hindi na namin itatanong kung bakit o paano, dahil lubos na lamang kaming nagpapasalamat na nangyari ito.
Hindi malinaw ang kinabukasan kaniya hindi namin alam kung nararapat na bang magpaalam. Kung ito na nga ang huli, nawa ay sa saglit naming pagbibigay serbisyo ay tumatak kami sa inyong puso at isipan, gaya ng nagawa niyo sa amin, Ka-Wrappers. Muli, maraming salamat po sa pagbili sa amin.