Leche Flan

Leche Flan Produkto na uulit ulitin ng mga suki mo dahil MADALI ng ibenta MASARAP pa ibenta.
(1)

OPEN FOR RESELLER
STORE RESELLER
STORE DISTRIBUTOR
ONLINE DISTRIBUTOR
We help INDIVIDUAL & BUSINESSES earn extra income thru RESELLING our FAST MOVING PRODUCT in the market. Formerly known as Princess A & J leche flan is a home made dessert that Individuals will surely love & enjoy because of its delicious and satisfying flavor

25/04/2026

Ang cousin na talaga namang nagpapabuhay ng usapan puro kalokohan🤣🤣🤣

J**s Crema Banana daw ang paborito nilang dalawa.

**sMalabonsBest

Ang init? Deserve mo ‘to! 😍🍧Beat the heat with JAP’s Malabon’s Best Halo-Halo — creamy, milky, siksik sa sangkap, may le...
25/04/2026

Ang init? Deserve mo ‘to! 😍🍧

Beat the heat with JAP’s Malabon’s Best Halo-Halo — creamy, milky, siksik sa sangkap, may leche flan at ube na hahanap-hanapin mo talaga sa bawat scoop! 💛💜

Perfect pang-meryenda, pang-treat sa family, friends, officemates, or kahit reward mo lang sa sarili mo today.

Try our delicious Halo-Halo today!
📩 Message us to order!
**sMalabonsBest **sHaloHalo

May kasabay ka ba sa byahe? 👻👻👻Otw to Sucat para magdeliver kami ni Husband Roan sa Distributor namin na si Bellas Fland...
23/04/2026

May kasabay ka ba sa byahe? 👻👻👻

Otw to Sucat para magdeliver kami ni Husband Roan sa Distributor namin na si Bellas Flandelicious ay na flat-an kami ng gulong sa EDSA...

I urgently decided na iwan si husband at ihatid na lang thru in drive ang bitbit namin. (Business minded people are problem solver always😉)

Naka kwentuhan ko si driver, talagang magaan sya kausap, hindi sya nagreklamo at sarcastic kasi nagkamali ako ng pick up pin😅

Pinaliwanag nya sa akin ung PLATINUM DRIVER na nakalagay sa App dahil daw iningatan nya daw talaga iyon pinagpuyatan at pinagtrabahuan, nag average sya ng 13 trips per day and maganda talaga status ng service nya...

Except for ONE

Maayos naman daw ang flow ng kwentuhan nila ng passenger nya na pinik up nya somewhere in Rizal area malapit sa CEMETERY to Cubao terminal hanggang ilang saglit ay nanahimik si passenger hanggang sa pagbaba nya....

Nakatanggap sya ng 2 ⭐⭐ rating sa passenger...

Agad syang tumawag sa In drive service at napag alaman nya ang reason...

Sir reported po nya SINABAYAN MO DAW SYA NG IBANG PASAHERO KATABI NYA.

Di makapaniwala si driver sa experience nya with his passenger pero di na mababago ang rating sa kanya kahit nagpaliwanag na sya.

Ayun lang nachika ko lang...
Wala naman talagang mapupulot na aral doon...
Gusto ko lang ishare🤣🤣🤣

Waiting pa kasi ako dito sa Sucat sa Ascent kay Roan Roderos nandoon pa kasi sya need palitan ang gulong so pinalalamove pa from Malabon to Taft.

Otw pa kasi kami sa Cavite birthday ng Mother ko and my brother eh.

Grabe kayo magpakilig sa akin nyan Dear Suki, di ko na kailangan manood ng love story eh🤣🤣🤣Salamat sa tiwala at sa oras ...
22/04/2026

Grabe kayo magpakilig sa akin nyan Dear Suki, di ko na kailangan manood ng love story eh🤣🤣🤣

Salamat sa tiwala at sa oras na ibinibigay
nyo po to share us your awesome J**s Halo Halo experience.

Sa uulitin po.

22/04/2026

Close po Langaray Food Hub today 04/22/26
Open ang C4 and Pla pla main for your Halo Halo, Leche Flan and Ube Halaya Cravings.

Isa sa pinakamagandang part ng pagnenegosyo ay hindi lang ang benta, kundi ang ma-appreciate ka ng customer nang taos-pu...
21/04/2026

Isa sa pinakamagandang part ng pagnenegosyo ay hindi lang ang benta, kundi ang ma-appreciate ka ng customer nang taos-puso.

Ang simpleng “thank you” nakakagaan ng pagod at nagpapaalala na may saysay ang bawat effort, puyat, at sipag.

Grateful for customers who see the heart behind every order. 🤍
Lord, thank You for these little-big reminders of grace.






21/04/2026

Nakakatuwa pong isipin na sa simpleng salu-salo para sa mga kasamahan sa Brgy. Ibaba Health Center, JAP’s Supremo Halo-Halo ang napili nilang maging treat. 💛❤️

Maraming salamat po sa tiwala sa 14 pcs Supremo Halo-Halo na inihanda para sa mga taong araw-araw ay naglilingkod at nagmamalasakit sa kapwa. Nakakagaan ng puso na kahit sa simpleng paraan, naibabahagi ang saya, appreciation, at konting lamig na deserved nila. 🍧✨

Sa bawat order, hindi lang basta panghimagas ang naihahain—kundi munting paraan din ito para magpasalamat sa mga taong laging present para sa iba.

Maraming salamat po sa pagpili sa JAP’s Malabon’s Best. Sana po ay napasaya namin ang inyong team kahit sa simpleng treat na ito. 🙏

**sHaloHalo **sMalabonsBest

Naging extra special sa akin ang 19th anniversary namin... Hindi lang dahil umabot kami ng 19 years, kundi dahil sa loob...
20/04/2026

Naging extra special sa akin ang 19th anniversary namin...

Hindi lang dahil umabot kami ng 19 years, kundi dahil sa loob ng 19 years, ang dami ring binago sa akin ng journey na ito.

Na-outgrow ko na yung dating version ko na doon lang nakabase ang worth ko sa atensyon na nakukuha ko from my husband.

Dati, kapag hindi na-meet yung expectations ko, ang bilis kong ma-hurt. I would feel sad, rejected, unworthy, and even jealous.

Parang ang bigat-bigat agad ng puso ko kapag hindi ko nakuha yung gusto kong maramdaman mula sa kanya.

Pero habang tumatagal, unti-unti kong na-realize na hindi pwedeng sa asawa lang umiikot ang buong mundo ko.

Hindi pala healthy na doon lang nakaangkla ang identity, peace, at happiness ko.

Trap pala iyon ng unhappy life.

Natuto akong para mas mahalin ko nang tama ang husband ko, kailangan kong mahalin at unahin muna ang Diyos, then learn to love myself too, before him.

Hindi dahil mas mababa ang value niya sa akin, kundi dahil mas naging malinaw sa akin na I cannot pour from an empty place.

Hindi ko maibibigay ang bagay na ako mismo ay kulang. I cannot give what I do not have.

Habang mas pinupuno ko ang sarili ko ng love, healing, wisdom, and growth, mas naging totoo rin ang pagmamahal na naibibigay ko.

Hindi na galing sa dependency, kundi galing sa wholeness.

At isa sa pinakamalalim kong realization, he is the kind of partner God knew I needed.

Hindi man siya perfect sa lahat ng expectations ko, pero siya yung tamang partner para sa growth ko.

Marami siyang naituro sa akin, lalo na pagdating sa family, sa pag-intindi, sa maturity, at sa mga bagay na hindi ko sana matututunan kung hindi kami nagsama sa journey na ito.

So this anniversary became extra special not just because we celebrated 19 years of marriage,

but because

I also celebrated the woman I have become through those years.

Hindi lang pala “kami” ang tumagal. Ako rin, nag-grow. Nag-heal. Nag-mature. At mas natutong magmahal nang tama one day at a time.



Stop relying your happiness on other people’s attention.Hindi lahat ng silence ibig sabihin rejection.Hindi lahat ng hin...
16/04/2026

Stop relying your happiness on other people’s attention.
Hindi lahat ng silence ibig sabihin rejection.
Hindi lahat ng hindi pag-notice sa’yo ibig sabihin wala kang value.

Minsan, nasasaktan tayo hindi dahil may kulang sa atin,
kundi dahil nasanay tayong sukatin ang worth natin
sa replies, reactions, validation, at kung gaano tayo ka-importante sa mata ng iba.

Pero ang totoo,
hindi nababawasan ang halaga mo kapag hindi ka napapansin.
Hindi mo kailangang habulin ang attention
para lang maramdaman na worthy ka.

Some people will overlook you, misunderstand you, or fail to appreciate you.
Pero that does not change who you are.
Your value is not based on their ability to see it.

Nakakapagod mabuhay na laging naghihintay
kung sino ang magpaparamdam na enough ka.
Because real peace starts when you learn
to give yourself the love, assurance, and respect
na matagal mo nang hinihingi sa iba.

So choose this: Hindi na ako magmamakaawa para mapansin.
Hindi na ako magbe-beg for the bare minimum.
Hindi na ako magpapakulong sa validation ng ibang tao.

Because happiness grows deeper
when it is rooted in self-worth,
not in other people’s attention.

You are still valuable,
kahit walang pumapalakpak.
You are still enough,
kahit walang laging tumitingin.
At karapat-dapat ka pa rin,
kahit hindi ka piliin ng iba.

Umaasa pa rin ako sa mas magandang future, kahit alam kong hindi madali ang daan papunta roon.Sa dami ng pinagdaanan ko ...
15/04/2026

Umaasa pa rin ako sa mas magandang future, kahit alam kong hindi madali ang daan papunta roon.

Sa dami ng pinagdaanan ko bilang business owner, isang bagay ang ayokong bitawan — ang pag-asa.

Hindi man madali ang araw-araw, umaasa pa rin ako.
Hindi man mabilis ang progress, naniniwala pa rin ako.
Hindi man klaro ang buong daan, naglalakad pa rin ako.

Kasi pakiramdam ko, hindi naman ibibigay sa puso ko ang pangarap na ito kung walang dahilan.
Maaaring mahirap ngayon.
Maaaring mabagal ngayon.
Maaaring maraming tanong ngayon.
Pero hindi ibig sabihin nito na hanggang dito na lang.

Darating din ang araw na mas maiintindihan ko kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito.
Sa ngayon, ang mahalaga, tuloy lang.
Tahimik man, mabagal man, pero tuloy lang.

Hindi biro ang magpatuloy kapag pati sarili mong isip, kailangan mo ring labanan.Minsan hindi naman ang hirap ng busines...
14/04/2026

Hindi biro ang magpatuloy kapag pati sarili mong isip, kailangan mo ring labanan.

Minsan hindi naman ang hirap ng business ang pinakamabigat.
Minsan yung mga iniisip mo.
Yung takot.
Yung self-doubt.
Yung tanong na, “Sapat ba ako?”
“O baka hindi naman talaga para sa akin ito?”

Tao lang din naman ako.
Nasasaktan. Napapagod. Nao-overwhelm.
Pero ang isa sa natutunan ko, hindi ko kailangan maging malakas araw-araw para masabing lumalaban ako.

Minsan sapat na yung bumangon ka.
Minsan sapat na yung hindi ka tumigil.
Minsan sapat na yung umiyak ka, nagdasal ka, tapos sinubukan mo ulit.

Address

BLOCK 10G LOT 28 PLA PLA Alley BRGY LONGOS
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 9am - 10pm
Tuesday 9am - 10pm
Wednesday 9am - 10pm
Thursday 9am - 10pm
Friday 9am - 10pm
Saturday 9am - 10pm
Sunday 9am - 10pm

Telephone

+639281880121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Leche Flan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category