30/05/2021
“Ituro n’yo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan,
ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.”
- Salmo 25:4
Hindi lahat ng landas ay magdadala sayo sa iyong tamang patutunguhan, kadalasan nga ay mahaba at paikot ikot na landasan, madalas ay may mga tanikala sa iyong daraanan, at may mga pagkakataon na ang landas na napili mo ay magdadala sayo sa tiyak na kapahamakan.
Ano ang kailangan natin gawin? Kailangan ay sumangguni tayo sa Diyos sa bawat araw ng ating buhay, na ituro sa atin ang tamang daan, gabayan tayo sa mga desisyon at pamamaraan na ating pipiliin. Sapagkat lahat tayo ay tao lamang na maaring magkamali at maaring malinlang, kailangan natin ng tunay na gabay, si Hesus ang makapagbibigay sa atin ng tama at wastong kasagutan. Sa Kanya mo masusumpungan ang katotohanang kay tagal mo nang minimithi at hinahanap.
Isang araw ng Linggo na puno ng pag-gabay ni Hesus ang nawa ay mapa sa inyong lahat.