08/09/2026
Sa lahat ng aming mahal na customers at kapwa business owners:
Aminado kami, ang nagdaang buwan ng Agosto ay hindi naging madali. Dahil sa sunod-sunod na ulan at bagyo, naging napakatahimik ng mga benta at ramdam namin ang bigat ng mga gastusin. Nakakapagod din talaga minsan.
Pero sa kabila ng mahinang Agosto, pinapaalala namin sa aming sarili kung bakit kami nagsimula—para sa aming pamilya, sa aming hardworking team, at sa inyo na patuloy na sumusuporta sa amin. ☕❤️
Sa ating kapwa micro-entrepreneurs na dumaan din sa mahirap na buwan: Kapit lang. Hindi tayo ibinagsak ng mga pagsubok para sumuko, kundi para mas tumibay at maging mas madiskarte. Trabaho, diskarte, at dasal lang palagi!
Sa aming dearest customers: Maraming salamat sa bawat baso ng kape na pinagsaluhan ninyo sa amin noong Agosto. Kayo ang dahilan kung bakit masaya kaming bumabangon araw-araw.
Ngayong bagong buwan, nakatimpla na ang bagong pag-asa at mainit na kape para sa inyo! ✨
☕ The Porch Cafe
Serving warmth, hope, and good coffee always.