16/06/2021
This will be hard.
Nagsimula ang lahat sa simpleng meriendahan lang, at naudyukan na "Pwede nyo ibenta to!" - Cliff, 30 binata at mag bobonsai.
Hanggang sa sinubukan namin magbenta, salamat din kay Cliff at mabilis kumalat ang tungkol sa burgers namin.
Nakapag simula kami sa tulong ng mga pre orders. From 5kilos to 10kilos ng baka at sa isang buong araw na halos wala ng imikan eh nakaka sold out kami.
At pagka tapos non nakapag decide kami gumawa ng physical store namin. Maraming salamat sa suporta ng family namin na anjan palage since day 1.
Mama, Papa, Mama Minda. Special thanks din kala Agai at Jigs na palageng nanjan para samin kung kailangan namin ng extra extrang utak para sa paper works at extrang working hand sa pag gawa ng patties.
From 5 kilos to 30 kilos. Ganun kami kalakas sa inyo. Sinubukan din namin minsan gumawa ng pandagdag sa menu pero nahihirapan din kami mag asawa gumawa ng productions namin. Sorry kung minsan hindi ma avail yung mga hinahanap nyo. Legit talaga pag sinabe naming . Ginagawa namin talaga lahat from scratch.
We had a good run. Tumagal din tayo sa Caleb's almost a year na. Maraming salamat sa inyong lahat at sa walang sawa nyong pag suporta samin. Talagang nakaka taba ng puso pag sinasabe nyo na solid ang burgers namin.
Starting tomorrow, Caleb's will be closing its doors. We will surely miss all of you! From regular customers that turned into friends maraming maraming salamat sa inyong lahat.
Mag papa-miss muna kami sandali, pero hindi ibig sabihin mawawala talaga kami. Abangan nyo na lang kami sa pagbabalik namin. Baka banda banda dun eh for the long run na talaga tayo. Hanggang sa muli! ❤ 🍔 ❌ 🍟