25/02/2023
Hindi nila naiintindihan kasi akala nila madali lang. Akala nila petiks ka lang sa trabaho akala nila nag mamaneho ka lang ng motor at pasyal ng pasyal. Ngunit hindi nila batid ay ang pagod at sakripisyo ng pagiging isang delivery rider. Sa pag alis namin sa bahay naka akibat na saamin ang peligro, "nasa hukay na ang isang paa" ika nga nila.
Tinding init ng araw, lakas ng ulan hindi iniinda upang kumita lang.
Alikabok, iba't ibang ugali ng tao ang makakasalamuha mo. May mang iinsulto, meron ring mababait. Minsan nga nalilipasan na ng gutom dahil naghahabol ng booking. Matinding traffic at kung ano ano pa
May mabibiktima ng holdap, aksidente, fake booking ... Lahat ng yan hindi mo alam kung mangyayari samin yan sa tuwing nasa trabaho kami.
Minsan nawawalan na kami ng oras sa pamilya dahil binubuhos ang oras sa trabaho upang magkaroon ng sapat pang gastos at magka ipon.
Kaya maraming salamat sa mga taong nakaka appreciate sa amin.
Sa mga asawa at anak, mga magulang, kamag anak at kaibigan na nagpapalakas ng aming loob upang harapin ang bagong umaga at gawing mas matatag ang loob sa araw- araw.
Maraming salamat din sa mga taong tumatangkilik sa mga delivery services. Dahil sainyo nagkakaroon kami ng matiwasay na trabaho.
Saludo ako sa lahat ng kapwa kong rider na nagpapakatatag para sa kinabukasan ng pamilya!