09/04/2021
Bago tayo bumili sa mga SM, Puregold, Shopwise, Robinsons, Local Grocery Outlets o kahit sa palengke. Paki-check muna if may mga friends o kapamilya tayo na nagbebenta ng mga food like porkchop, ng Chicken, ng Milk Tea, ng Takoyaki, ng Meryenda, pancit, spaghetti, ng mga damit, o mga Fashion wear, or kahit anong abubot sa online or maliit na pwesto or naglalako.
Ngayong pandemic hindi kabawasan ng pogi at ganda points pag bumili ka sa mga kakilala. Hanggang kaya natin na makatulong sa kakilala o kamag anak o kaibigan o sa hindi kakilala ay gawin natin hanggang makatawid tayo ng sabay sabay sa krisis na ito. Kaya if may post sila kahit maliit na seller na kilala mo i-appreciate natin.
Kasi karamihan dyan, doon nila kinukuha ang panggatas ng anak nila, pagkain sa hapag kainan, mga basic nilang pangangailangan. Tayo tayo na ang magtulungan.
Mas matuwa ka nga na nagsisikap ang mga kaibigan mo o kapamilya mo at hindi umaasa or basta lang umuutang sa iyo. Ngayong Pandemic let us help one another. Laban lang po tayo, makakaraos din tayong lahat.
Ctto