17/10/2024
ITCPH 5th PUTOK BATOK 2024
"My the PORK be with you. Lechon All you can Fiesta". Yan ang naging tema ngayon ng ika 5th taon ng taunang Putok Batok na programa ng ITCPH (International Training Center on Pig Husbandry) na ginanap nitong Martes, Oktubre 15, 2024.
Ang programang ito ay nilahukan ng iba't - ibang lechonero na matatagpuan sa Lipa City at Cuenca batangas. Isa na dito ang Ruel's Native Lechon na nakapagkamit ng "Crowd's Favorate Lechon".
Naglalayon ang programang ito na maipakitang ligtas ang pagkain ng karneng baboy at ating suportahan ang panunumbalik ng sektor ng pagbababuyan sa lungsod. Dinaluhan ang nasabinh programa ng iba't - ibang kaagapay ng tanggapan sa kanilang mga programang may kaugnay sa pagbababuyan.