09/05/2026
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, tumambay, at naging parte ng memories natin dito sa Kape sa Hulo. 🤍☕️
Sa ngayon, magsasara na ang Kape sa Hulo sa dating pwesto nito at lilipat kami para sa panibagong simula. Naghahanap pa kami ng bagong pwesto, kaya hintayin niyo lang ang mga susunod naming updates soon. ✨
Nais lang din naming linawin na maaaring makita niyo pa ring bukas ang Kape sa Hulo sa dating pwesto, pero hindi na ito mina-manage at pag-aari ng totoong may-ari ng Kape sa Hulo. Iba na po ang nagma-manage at may hawak nito ngayon.
Sa kabila ng lahat, dala pa rin namin ang tunay na kwento, memories, at pusong bumuo ng Kape sa Hulo mula sa umpisa. 🤍
Excited kaming makapagsimula muli at maibalik sa inyo ang original na Kape sa Hulo na minahal niyo. Maraming salamat sa patuloy na suporta, pag-intindi, at pagmamahal.
See you again soon! 🤍