03/04/2026
Sa aming mga mahal na customers,
Una sa lahat, maraming salamat sa walang sawang pagtangkilik sa ating PAMESA Fried Chicken! 🍗
Nais po naming ipaalam sa inyo na simula APRIL 1, 2026 magpapatupad ng bahagyang pagtaas sa presyo ng aming mga produkto, partikular na sa aming fried chicken.
Sa nakalipas na mga buwan, ang presyo ng mga pangunahing sangkap tulad ng sariwang manok, cooking oil, harina, at mga pampalasa ay patuloy na tumataas dahil sa implasyon. Upang mapanatili ang kalidad at masarap na lasa ng ating produkto, hindi na po maiiwasan ang pag-adjust ng ating presyo.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pagtangkilik sa aming munting negosyo. Asahan po ninyo na gagawin namin ang lahat para mapanatili ang kalidad na inyong kinagigiliwan.
Maraming salamat po
Gumagalang,
PAMESA FRIED CHICKEN