Masarap pa! Uulit-ulitin talaga! Kaya mga suki, TIKMAN NA! Dahil sa pagkahilig ni Ms. Alona, (isa sa may-ari ng AA's) sa isang animated comedy series/cartoons na SPONGEBOB' ninais niyang magkaroon ng isang KRUSTY-KRAB. Dito nagsimula ang pangarap na Negosyo, ang AA's BURGER AND SNACK BAR. Nabuo ang pangalan noong Hulyo 29,2021 sapagkat nagsisimula sa letrang "A" ang pangalan ng dalawang may-ari o
mag-asawang sina Alona Caspe & Ace Mendoza. Naipatayo ang una at maliit pang tindahan nitong August 2021, gamit ang mga kawayan bilang dingding at dahon ng anahaw/sawali bilang bubong. Sa tulong at suporta ng kanilang ama na si Mr. Henry Mendoza, naitatag ang tindahan. Bukas po kami mula Lunes hanggang Linggo, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi. Kilala at madaling lutuin ang-meriendang ito para sa MASA. Nagluluto kami ng Burger/Sandwiches/Snack bites-fries/siomai etc, may panulak din po kaming bottled drinks at soon magkakaroon pa ng ibang drinks (MilkShake/MilkTea).