10/04/2026
Real talk lang po… 🙏
Namili ako kahapon ng almost ₱3000 para sa baking ingredients—flour, margarine, sugar, at iba pa. Kung titignan, parang konti lang siya for that price. 😔
Ramdam na ramdam na talaga ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na sa mga pangunahing ingredients namin. Habang tumataas ang presyo ng langis, damay-damay na lahat. Nakakapanlumo minsan, lalo na para sa aming mga small business owners.
Pero kahit ganun… tuloy lang ang laban. 💪
Hindi rin naman pwedeng biglaang magtaas ng presyo kasi iniisip din namin kayo—ang aming mga loyal customers. Kaya ang ginagawa namin, naghahanap na lang ng alternative suppliers para kahit papaano, mapanatili ang kalidad at abot-kayang presyo.
Sa kabila ng lahat, sobrang nagpapasalamat pa rin ako kay Lord sa patuloy Niyang provision. Hindi Niya kami pinapabayaan. 🙏💛
Maraming salamat din po sa inyong patuloy na suporta sa maliit naming negosyo. Hindi po namin ito kakayanin without you. 🥺💛