12/09/2026
Hindi agad. Ang deep orange na yolk ay hindi automatic na mas masustansiya.
Ang kulay ay pangunahing nanggagaling sa pagkain ng manok—mais, marigold, halaman o carotenoid pigments. Posibleng mas mataas ito sa lutein at ibang carotenoids, pero hindi ibig sabihin na mas mataas na rin agad ang protein, vitamins, omega-3 at lahat ng nutrients. Ipinapakita ng mga pag-aaral na kayang palalimin ng carotenoid-rich feeds ang kulay at carotenoid content ng yolk.
Tamang sagot:
“Mas maraming pigment? Posible. Mas masustansiya sa lahat ng aspeto? Hindi sigurado.”
Puwede ring gawing deep orange ang p**a gamit ang feed pigments—kaya hindi sapat ang kulay para husgahan ang kalidad o freshness ng itlog.