14/05/2026
⚠️ 𝗬𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗗 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗚𝗥𝗜𝗗 - 𝗡𝗚𝗖𝗣 ⚠️
TINGNAN: Nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines ng Yellow Alert at Red Alert sa Luzon Grid ngayong Mayo 14, 2026 dahil sa kakulangan sa operating reserves o reserbang suplay ng kuryente.
Ayon sa abiso ng NGCP, ipatutupad ang:
🔸 Yellow Alert mula 3:00 PM hanggang 4:00 PM at 10:00 PM hanggang 11:00 PM
🔸 Red Alert mula 4:00 PM hanggang 10:00 PM
Ipinapahayag ang Yellow Alert kapag mababa na ang reserbang kuryente kumpara sa itinakdang safety margin. Samantala, ang Red Alert ay nangangahulugang kritikal na ang balanse ng supply at demand ng kuryente, na maaaring magresulta sa rotating brownouts sa ilang lugar.
Pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa oras ng peak hours upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na power supply sa Luzon Grid.
Source: NGCP (Facebook)