12/08/2022
So I will be launching MusiKapihan's Stationhead very soon! Kung alam niyo po ang Stationhead, it's an app at makakagamit ka lang ng matino nito kung naka-Spotify Premium ka. How will it help musicians? Basahin niyo po itong maige para maintindihan nyo kung maiintindihan niyo yung explanation ko heheheh!
Stationhead is an app in collaboration with Spotify. You can download it for free sa mga app stores. Just like what I've said, you can only use it properly if you have Spotify Premium account. Baka magulat lang kayo, pagkabukas niyo ng app, puro BTS stations yung nandun hahahah! Malakas talaga sila e. Hahahaha!
Pero eto na nga kase! If MusiKapihan station is already up and running, I will be posting the link here and will update if it's about to go on-air, all you have to do is click the link and listen kung on-air na si MusiKapihan account. Kung 30 listeners na ang nasa station kunwari at nagplay ako ng isang song (again, connected ang Stationhead account sa Spotify so it can only play songs na nasa Spotify), automatically, additional 30 streams agad ang madadagdag sa song na pineplay ng MusiKapihan Station at that time. O diba? Ang saya kaya! Hahahaha!
I can also interview some artists on-air para mas masaya ang kwentuhan at interaction. Pa-special guest kumbaga. May live chat din for kulitan. You can also request songs. Or pwede rin kitang iinvite para lang makipagkwentuhan in between ng playing ng mga kanta.
Yung mga artists dito na may mga kanta na sa Spotify, you better download and install STATIONHEAD! Promise! Hindi ako mahilig magpost at magpromote masyado ng mga kanta ko sa Nanay ni Juan at sobrang bagal ng streams ko kase wala naman akong p**i. Pagkagising ko na lang ng isang araw, yung kanta kong AGOS, 1k streams na. Malaking bagay para sa tamad magpromote tulad ko kase gusto ko lang naman maglabas ng kanta kahit walang makinig. A month ago, sa true lang, 600+ lang yun. E nirelease ko yun, April 2021 pa. Hahaha! Ganun kabagal, ganun ako katamad hahaha!
But it happened na kinuha akong guest sa isa sa mga stations, ayun, halos nagsunud-sunod na ng bahagya. Pagod ang nanay niyo ng almost 5 days na sunod sunod hahaha! Ang sarap pati makipagkwentuhan lalo na kung kalog at baliw din ang DJs hahahah!
Hindi ako endorser a. I just found out how helpful it is sa mga indie artists katulad natin. Take note din po, hindi po ako kikita sa kada pag-ere at walang monetization dun. Kung meron man, di ko alam at diko pa naeexplore. Sa ngayon, wala pa ang MusiKapihan in flesh at pinaghahandaan namin yan. Ipon lang muna kami ng konting pera pa at lakas ulit ng loob hahahaha! Ito lang muna ang maiitulong ko sa mga artists, yung pagtaas ng streams nila sa Spotify.
More indie music scene muna tayo sa station. Pero paminsan-minsan, magkaron siguro tayo ng theme. Promise, pipilitin kong hindi muna i-play ang SB19 kahit mahal na mahal ko sila lalo na si Pablo hahaha!
MusiKapihan Stationhead will be on-air once a week for the meantime starting this August, date and time to be announced, ayusin ko lang sked ko sa mga students ko dito hehehe!
This is the best I can do for now para sa mga kapwa ko musikero at minamahal kong pamilya sa MusiKapihan. Sana makinig kayo! SAMA SAMA TAYO SA PAG-ANGAT! More streams, more kwentuhan, more fun! Pakikalat na rin ito sa mga musician friends and not-so-musician friends niyo! Dun tayo sa Stationhead magkulitan at mag-ingay!
I love you all! Tulad nga ng sabi ni Sandara Park, MEHEL KO KAYOW!
- Phoebe Mendoza Castillo