30/06/2022
Hindi madaling magbukas ng isang negosyo sa panahon ng pandemya — alam namin ito simula pa lang. Nang simulan namin ang Imus Branch dito sa Golden City Ph4, madami talagang mga pagsubok.
Kinaya namin lahat dahil sa tiwala at suporta ninyo. Kaya ngayon na nagtatapos na ang aming kontrata, batid namin ang walang hanggang pasasalamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng lakas ng loob sa amin sa nakalipas na taon.
Mula sa mga kamag-anak at kaibigan, mga empleyado namin, mga rider, mga customer, at sa mga taong walang sawang nagbibigay ng suporta at nagbigay sa amin ng mga aral na magagamit namin sa iba pang mga negosyo namin — maraming maraming salamat.
Hindi ito pagpapa-alam, bagkus isang pagbati na hanggang sa muli. Hanggang sa muli sa pagbubukas ng mga bagong oportunidad at bagong simula.
Hanggang sa muli, Golden City!