27/08/2026
501 TAPSIHAN, DINARAYO SA IMUS
IMUS CITY, CAVITE โ Hindi lamang simpleng tapsihan ang 501 Tapsihan para sa may-ari nitong si Orly Gonzalez, kundi isang negosyong itinayo mula sa sipag, karanasan at pagmamahal sa pagluluto.
Taong 1996 nang simulan ni Gonzalez ang kanyang negosyo matapos ang 20 taong pagtatrabaho sa Holiday Inn.
Ayon sa kanya, ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang hipag ang maliit na puwesto na kalaunan ay unti-unting nakilala at dinayo ng mga customer.
Sa paglipas ng mga taon, naging isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbalik ng mga suki ang kanilang tapa, na siyang itinuturing ni Gonzalez na pinakapinagmamalaki ng kanilang tindahan.
โMarami nang gumaya ng tapa ko pero hindi lang makuha ang lasa,โ ani Gonzalez, na nagsabing kakaibang timpla at lambot ng karne ang dahilan kung bakit patuloy itong hinahanap ng kanilang mga customer.
Pinakapatok umano sa kanilang menu ang tapsilog, na sinusundan ng porksilog.
Tuwing Biyernes hanggang Linggo naman, mabilis maubos ang kanilang crispy pork, crispy chicken at litsong kawali, na madalas ding inuuwi ng mga customer bilang pang-ulam o pulutan.
Hindi na rin umano bago sa 501 Tapsihan ang pagdating ng mga kilalang personalidad.
Ayon kay Gonzalez, kabilang sa kanilang mga naging customer ang ilang opisyal ng gobyerno, alkalde, abogado at mga artista, bukod pa sa mga ordinaryong mamimiling sadyang dumadayo upang matikman ang kanilang mga pagkain.
Dahil sa patuloy na pagdami ng customers, may mga pagkakataong hindi na agad napagsisilbihan ang lahat, lalo na tuwing gabi.
May ilang customer na naghihintay, habang ang iba naman ay pinipiling mag-takeout o magpa-deliver.
Mas naging espesyal din para kay Gonzalez ang negosyo dahil pamilya mismo ang katuwang niya sa pagpapatakbo nito.
Kasama niya sa kusina at operasyon ang kanyang mga anak, apo at manugang.
Para sa kanya, mas mahalagang mapagkakatiwalaan ang mga taong kasama sa negosyo kaya mas pinili niyang pamilya ang katuwang sa halip na kumuha ng mga bagong empleyado.
Matatagpuan ang 501 Tapsihan sa 453-B Main Road, Biรฑancong Street, Bayan Luma, Imus City, Cavite, malapit sa O-SAVE. Bukas ito mula 10:00 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi, araw-araw.
Maaari ring mag-order para sa pickup o delivery sa pamamagitan ng kanilang page at mga delivery service. Para sa inquiries at orders, maaaring tawagan si Gonzalez sa 0966-501-2737.
Sa loob ng tatlong dekada, napatunayan ng 501 Tapsihan na hindi kailangang maging engrande ang isang kainan upang maging paborito ng marami.
Sa simpleng tapa, lutong-bahay at sama-samang sipag ng pamilya Gonzalez, nabuo ang isang negosyong patuloy na binabalikan hindi lamang dahil sa pagkain, kundi dahil sa saraping mahirap gayahin at serbisyong parang tahanan ang pakiramdam.