23/07/2017
Isang Tip Paano Magkaroon ng Magandang Ugali ang Anak Natin
Payo ni Dr. Richard Mata (p**i LIKE ang kanyang page)
Isa sa aming ginagawa ay turuan sila parati ng Golden Rule: Gawin mo sa iba kung anong gusto mong gawin ng iba sayo. At wag mong gawin sa iba yung ayaw mong gawin nila sayo.
Napakaimportante po ito na prinsipyo dahil nafefeel nila ang p**iramdam ng iba. Kung baga, nasusuot nila ang sapatos ng iba.
Madali kasing sabihan lang sila na "mali yan, wag yan, ganito ka dapat" pero kung inexplain mo ng ganito, "kung gagawin sayo yan ano ang p**iramdam mo?" Mas may impact po yun.
Ang ginawa namin ay nagprint kami ng Golden Rule sa mga coupon bond at nakapaskil sa bahay. Upang parati nilang nakikita. (Visual reminder)
Parati rin namin itong natatopic kung kami ay nagkekwentuhan halos araw-araw. (Verbal reminder)
Kunwari may na-ikwento silang studyante na maraming may galit. Sinisingit namin ang aral na ito.
Sasabihin ko, "siguro di niya lang alam ang Golden Rule, sana naturuan sya ng magulang niya."
"Dahi kung gusto mong respetuhin ka ng classmates mo, respetuhin mo muna sila".
"Kung gusto mong tulungan ka nila, tulungan mo muna sila."
"Kung gusto mong ngumiti sila sayo, ay ngitian mo muna sila palagi."
"Ito ang importante sa buhay. Di ka magugustuhan ng tao dahil mahal ang sapatos mo o maganda cell phone mo".
"Magugustuhan ka nila dahil ikaw ang unang nagappreciate sa kanila. "
Halimbawa, may bagong sapatos classmate mo, sabihan mong "wow ang ganda".
"Kunwari may bago syang hair clip, sabihin mo, wow ganda ng kulay!"
"Kunwari ay bagong gupit, sabihan mo, "wow bagay sayo!"
"Kung nagkukwento sila ay tingnan mo sa mata at makinig ng maigi. Dahil diba nakakaasar kung nagsasalita ka at di gaanong focus sayo ang kausap mo?"
"Parati mo itong gawin, tingnan mo, maraming magmamahal sayo kahit wala ka pang mahal na gamit."
"Wag mong sabihan ang iba ng masasakit dahil ayaw mo rin na sabihan ka ng masakit diba?"
Gaya ng, "uy tumaba ka". Di mo kelangan sabihin yun. Insensitive ka kung ganun. Di mo lang alam sinira mo ang araw niya sa sinabi mo. Anong p**iramdam mo kung ikaw yun?
Inuulit namin ang Golden Rule sa ano mang pag-uusap para umukit talaga sa puso nila.
Combine niyo ang visual and verbal reminders.
Para sa dagdag pa pong tips pambata please like Dr. Richard Mata