12/04/2026
🛵 RIDER CARE! 💛☀️
Mga ka-Ku-bo, pakiusap lang po .🙏
Kung may food order po tayo, sana po gising at ready tayo tumanggap ng delivery. Paabangan na lang po natin si rider para hindi na sila maghintay.
May mga instances po kasi na matagal na si rider sa labas ng house/building at wala pang lumalabas para tumanggap dahil natutulog o naliligo. Kadalasan pa po, walang masisilungan si rider sa tindi ng sikat ng araw. 🥵
Konting tulong lang po sana; abangan po natin ang pagdating nila and meet them agad para hindi na sila naiiinitan. It is part of their job to deliver your orders but it wouldn't hurt naman to wait for them. A little kindness goes a long way naman po, right? 😊
Alagaan din natin ang ating riders.💛 Maraming salamat po!