05/04/2020
Hi there. Care to share some Milktea to our brothers and sisters in the community? PM us. :)
Maraming salamat sa lahat ng nanuod at sa mga pasitib na comments dun sa 24bars challenge na ginawa ko. Subalit, hindi man alam ng karamihan at hindi rin naman namin masyadong pinapublicize, meron kaming konting on-going cause para sa mga talagang may kailangan ng tulong.
Para saan ang idodonate mo? Dahil nasa Visayas ako, hindi lahat maabot ng food packs x milktea namin. Isang naiisip namin na nationwide ang reach ay ang:
1. Libreng Load (data at credits) na sinusuportahan naman ng mga kaibigan natin dito sa page sa pag bibigay ng Gcash donations.
2. Para naman sa mga taong nadadaan natin sa streets na wala pang facemask ay nagaabot kami ng mga washable masks bago mag end ang curfew. In total as of today, nakapag bahagi kami ng 100pcs. para sa mga random people, matatanda, local PNP personnel na nagbabantay sa checkpoint at mga healthworkers na kinakapos ng PPEs. Kasalukuyan kaming nag kokolekta ng karagdagang pondo para makagawa p ng mga washable masks.
3. Food packs/grocery. Kasalukuyan namin hinahanda ang cause na ito para naman sa mga nandito sa paligid at hanggang sa mga pwede na mararating namin at mabigyan lalo na doon sa mga stranded, nawalan ng hanap buhay at naghihikahos dahil sa krisis na ito.
Kung meron kang sobra na pwede mo din ishare sa mas may kailangan sa kahit alin sa mga causes na yan, ay pwede mo akong iPM sa page na to, sa FB personal account ko Philip P. Ching o kay Asha Miyazaki.
Ang pagiging makatao ay mas nagiging makabuluhan pag ito ay ipinamamahagi mo sa lahat.
Maraming salamat sa inyong lahat.