08/11/2025
A T T E N T i O N ❗
PLEASE FOLLOW SOP PROCEDURE DURING POWER INTERRUPTION!
STANDARD OPERATING PROCEDURE
KAPAG MAWAWALAN NG SUPLAY NG KURYENTE
📍Bago mawalan ng suplay ng kuryente, i-set sa MAXIMUM SETTINGS ang ating freezer upang makapag-buildup ng yelo sa gilid na makadadagdag suporta sa lamig sa paparating na power outage.
📍Sa pag-adjust ng temperature ng freezer, sa right-lower side ng freezer, nandoon ang switch.
Karamihan sa ating freezer, i-turn CLOCKWISE ang switch gamit ang FLAT SCREW, hanggang sa masagad ito.
📍Umaga, 1-2 hours bago mawala ang kuryente, i-ready na ang freezer.
📍Alisin ang trays or baskets ng ice cream.
📍Sa pinakailalim, ibuhos lahat ang ice cream.
📍Lagyan o patungan ito ng mga karton (flat).
📍Sunod na ilagay ang mga yelo. Maglagay lamang ng sapat na yelo na hindi maiipit ang mga ice cream.
📍Isunod na itakip ang magnetic cover.
📍Kung walang magnetic cover, pwede gumamit ng makapal na tela tulad ng tuwalya, kumot at iba pa.
📍Siguraduhing nababalot ng lamig ang ating mga ice cream.
📍Maari din maglagay ulit ng another layer ng karton, yelo at cover para mas malakas ang lamig.
📍Maari din gamitin ang trays or baskets (kung kasya pa) para lagyan ng mga yelo.
📍Pagkatapos ng setup, i-LOCK ang freezer.
📍Takpan at ilayo sa posibilidad na maarawan ang freezer.
At ‘WAG NA ‘WAG ito bubuksan para magbenta habang walang kuryente.
📍 Tandaan, kapag tumagas ang lamig at nahanginan ang loob ng freezer natin, matutunaw ang mga yelo at matutunaw ang mga ice cream.
📍Ang SOP na ito ay kayang umabot ng 16 hours o mahaba pa nang hindi nalulusaw ang mga ice cream.
📍Kapag bumalik ang kuryente, maghintay ng 30 minutes to 1 hour bago buksan ang freezer
• WALANG ADVISORY
📍 Kung biglang nawala ang suplay ng kuryente o walang advisory mula sa electric cooperative, agad na i-LOCK at takpan ng magnetic cover o makapal na tela ang freezer.
📍 Huwag na huwag ito bubuksan para magbenta ng ice cream.
📍Magbigay kaagad ng report sa Salesagent o Customer Service ng iyong area.
📍At maging alerto o maaring i-record ang tagal ng oras na wala ang suplay ng kuryente.
📍Kapag bumalik na ang suplay ng kuryente, maghintay ulit ng 30 minutes to 1 hour bago buksan ang freezer para i-check ang items.