21/09/2026
Kaya maraming maraming salamat parin po sa walang sawang suporta sa maliit naming business. Salamat sa pag intindi ninyo na wala po talaga lettuce sa ngayon, dahil sa sobrang mahal walang mabilhan. Pati repolyo ngayon sobrang mahal pero pinipilit padin namin maglagay kahit mahal, kaya kung meron man pagtaas sa presyo ng products namin sana patuloy parin kayo sa pag suporta. Wag kayo mag alala hindi kami basta basta nagtataas hanggat kaya pa. Alam nyo naman yan. Bawi tayo pag bumalik na ulit sa normal ang lahat.
Lahat po kc tlg nagtaas,sumabay pa ang gas,gasul at kuryente na lahat gamit sa pagluluto,pamimili at pag stock ng mga paninda.
Maraming salamat sa po sa pag intindi. ❤️❤️❤️
ETO ANG STRUGGLE NAMIN BILANG MGA NEGOSYANTE. 🥹❤️
Hindi araw-araw maraming customer. Hindi araw-araw Pasko. Hindi rin araw-araw puno ang store. May mga araw talagang matumal, at may mga dahilan kung bakit nangyayari iyon.
May mga nagsasabi:
“Mas masarap ang samgyup kapag may lettuce.”
“Hindi nakaka-enjoy kapag walang lettuce.”
Naiintindihan po namin kayo. Gustuhin man po naming mag-serve ng lettuce, sa ngayon hindi po talaga kakayanin ng presyo. Umaabot na po sa ₱500/kilo, at nasa ₱5,000 kada box.
Kaya sa ngayon, wala po muna kaming lettuce. At dahil dito, may mga customer na hindi na tumutuloy at inaalisan kami. Masakit po bilang maliit na negosyo, pero naiintindihan din po namin na may expectations ang bawat customer.
Bilang negosyante, kailangan din po naming mag-compute. Kung ipipilit naming mag-serve ng lettuce sa ganitong presyo, baka sa huli wala na po kaming kitain. May rent, sweldo ng staff, bills, ingredients, utilities at marami pang ibang gastusin.
Pero ayaw din po naming mawala ang saya ng SAMGYUP ❤️
Kaya gumawa po kami ng paraan—UNLI ENOKI muna ang alternative namin para may pang-wrap, pang-grill at pang-enjoy pa rin habang wala ang lettuce.
Hindi po namin ito ginagawa dahil ayaw naming magbigay. Ginagawa po namin ito para patuloy kaming makapag-operate at makapagbigay ng affordable na samgyup.
Sa mga customer po namin na nakakaintindi, nananatili, at patuloy na sumusuporta kahit may mga pagkakataong hindi perfect ang aming service—MARAMING MARAMING SALAMAT PO. 🥹🙏❤️
Malaking bagay po sa isang maliit na negosyo ang bawat customer na pumapasok, bawat order, bawat recommendation at bawat share ng post namin.
Hindi po namin kayo nakakalimutan. Ginagawa po namin ang lahat para manatiling sulit, masarap at abot-kaya ang PAPA's K Style Grill House Unlimited Samgyupsal - COGEO GATE 2
Sana po samahan ninyo kami sa mga panahong hindi laging madali ang pagnenegosyo. ❤️
PAPA's k style Grill House Unlimited Samgyupsal
To taste is to believe. 🥩🔥
Samgyup kahit may challenges.