11/08/2026
Face-to-face na ba yarn?! π Makita na jud nimo imong crush, dzai/dzong! HAHAHA ready na ba ang face card?π«°
ADVISORY | PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES
Batay sa isinagawang joint press conference ng Pamahalaang Lungsod ng General Santos at DepEd General Santos City ngayong hapon, Agosto 11, 2026, maaaring ipagpatuloy anumang araw ngayong linggo ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekondarya.
Inaatasan ang lahat ng paaralan na mahigpit na ipatupad ang kanilang School Safety Primer at mga umiiral na protocol sa kaligtasan at seguridad. Kabilang dito ang paggamit lamang ng mga silid-aralan sa ground floor at second floor, araw-araw na maiikling emergency drill, malinaw na proseso ng muling pagsasama ng mga mag-aaral at kanilang pamilya, maayos na sistema ng komunikasyon, at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensiya para sa kaligtasan at pagtugon sa emerhensiya.
Pinahihintulutan din ang mga school head na tukuyin ang pinakaangkop na learning modalityβfull face-to-face, limited face-to-face, modular, online, o blended learningβbatay sa kahandaan at pangangailangan ng paaralan, gayundin sa umiiral na sitwasyon.
Ang lahat ay pinaaalalahanang manatiling mapagmatyag, kalmado, at laging unahin ang kaligtasan habang patuloy tayong bumabangon at unti-unting nagbabalik sa normal na operasyon ng mga paaralan.