18/05/2024
Gusto kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa aking mga kaklase na nagbigay ng kanilang buong lakas at husay sa mass dance at sabayang pagbigkas. Hindi biro ang hirap at pagod na ating pinagdaanan sa bawat ensayo, ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy tayo nang walang pag-aalinlangan.
Maraming salamat din sa mga lumahok sa extemporaneous speaking, oration, at spoken word poetry. Ang gagaling niyong lahat.
Saludo ako sa dedikasyon at determinasyon ng bawat isa. Hindi lang tayo basta sumayaw at bumigkas ng sabay-sabay; ipinakita rin natin ang ating pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa ating ginagawa. Nakaka-inspire ang ating pagkakaisa at ang malasakit sa bawat miyembro ng grupo.
Maraming salamat sa walang sawang suporta at sa walang kapantay na energy na inyong ibinahagi. Sa bawat pawis, ngiti, at pagkakamali na ating pinagdaanan, mas lalo lamang nating pinagtibay ang ating samahan. Tayo ay nagtagumpay hindi lamang dahil sa ating talento, kundi dahil sa ating pusong handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.
Ipagpatuloy natin ang ating sigla at inspirasyon, at patuloy tayong magpursige sa lahat ng ating gagawin. Mabuhay kayo,
Bugsay BSED-ENGLISH!!! 💙💙💙