29/05/2026
Mahal naming Bagong Mag-asawa, Mam Dolbih at Sir Rey.
Ang inyong mga salita ay parang awit na malamyos at matamis,
Puno ng ligaya, pagmamahal, at pusong wagas at dalisay.
Masaya rin kaming lubos na natupad at nalampasan pa
Ang lahat ng inyong pangarap para sa araw na inyong pinapangarap.
Higit pa kaming nagalak, dahil naramdaman namin sa inyo,
Na hindi lamang kami naging tagapaglingkod o taga-gawa lamang,
Kundi naging bahagi rin ng inyong buhay naging tunay na kaibigan,
Isang samahang higit pa sa trabaho, kundi pagmamahal na naging daan.
Tama kayo, ang araw na iyon ay hindi magiging ganito kaganda,
Kung hindi dahil sa inyong pagtitiwala, pag-unawa at pagmamahal.
Sa mga bagay na hindi natin hawak, kami ay buong pusong nag-atubili,
Dahil para sa amin, ang inyong ligaya ito ang aming pangunahing hangarin at tungkulin.
Salamat sa inyong pagkilala, sa inyong paggalang at pagpuri
Ito ang pinakamalaking gantimpala na aming matatanggap magpakailanman.
Ang inyong pangakong magbahagi ng magandang salita at pagpuri sa amin,
Ay kayamanang hihigit pa sa anumang bayad o gantimpalang materyal.
Bitbit namin ang inyong pasasalamat, at ipaparating ito nang buong puso
Sa bawat kasamahan, bawat kamay at pusong tumulong at nagpagod para sa inyo.
Kayo rin ay aming minamahal at itinatangi,
Kayo ang nagbigay-kahulugan at halaga sa aming ginagawa.
Ang aming serbisyo ay para lamang sa inyo at sa inyong wagas na pagmamahalan.
Nawaβy ang ligayang ito ay manatili, lumago, at tumagal magpakailanman.
Maraming salamat sa inyo mula sa aming puso hanggang sa inyo. ππ
Team Bert's Place