17/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐:๐๐ ๐๐, ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐๐, ๐๐๐๐ ๐
Narito ang pinakabagong tala ng Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca kaugnay ng mga residenteng naapektuhan at inilikas bunsod ng patuloy na pag-ulan dala ng . Batay sa Disaster Monitoring Report, umabot sa 278 indibidwal mula sa 56 pamilya ang naitalang naapektuhan at na-evacuate sa ibaโt ibang barangay.
Sa kasalukuyan, dalawang evacuation centers sa Brgy. Bodega at Brgy. Anon ang nananatiling occupied, na may kabuuang 73 indibidwal mula sa 19 na pamilya. Samantala, cleared na ang evacuation centers sa Brgy. Del Carmen, Sta. Monica, Sto. Rosario, at Solib. Patuloy namang nakatutok ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Michael L. Galang, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at mga barangay officials, sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan.
Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at mapagmatyag sa mga susunod na oras. Patuloy na magbibigay ang Lokal na Pamahalaan ng mga kaukulang update hinggil sa sitwasyon sa mga barangay.