Kuya Jan's Kitchen

Kuya Jan's Kitchen Content only

Si Kuya Jan nyo may uniform na. Naka Chamba naman tayo . πŸ‘¨β€πŸ³πŸ˜πŸŽ‰πŸ‡¦πŸ‡ΊπŸ‡΅πŸ‡­
21/05/2026

Si Kuya Jan nyo may uniform na. Naka Chamba naman tayo . πŸ‘¨β€πŸ³πŸ˜πŸŽ‰πŸ‡¦πŸ‡ΊπŸ‡΅πŸ‡­

β€œMga common amateur mistakes sa kusina…”  1. Hindi nagbabasa ng ticket ng maayos.Akala 2 orders lang… yun pala may modif...
21/05/2026

β€œMga common amateur mistakes sa kusina…”

1. Hindi nagbabasa ng ticket ng maayos.
Akala 2 orders lang… yun pala may modifiers at special request. Ayun, remake. πŸ˜…

2. Walang mise en place.
Yung saka maghahanap ng sibuyas habang may 20 tickets na naka abang. Peak hours pa talaga nawawala ang sandok. πŸ˜‚

3. Overconfidence.
β€œChef kaya ko yan!”
Pag dating sa actual… nanginginig sa linya. Hahaha.

4. Hindi naglilinis habang nag wowork.
Pagkatapos ng service, mukang dinaanan ng bagyo station mo.

5. Panic agad pag rush hour.
Konting follow up lang, gusto na umuwi. Relax lang, lahat dumaan dyan.

6. Tikim nang tikim pero di naman nag aadjust ng seasoning.
Chef… hindi buffet ang tasting spoon. 😭

7. Hindi marunong makinig.
Kahit magaling ka pa, kung di ka marunong sumunod at makinig… sabog buong team.

8. Puro yabang, kulang sa gawa.
Madaming kwento sa smoke area… pero pag balik sa station, wala pa din prep. 🀣

9. Akala nila mabilis na sila.
Mabilis nga… mali mali naman orders.

10. Hindi iniingatan katawan.
Tubig? wala. Kain? wala. Tapos magtataka bakit burn out lagi.

Lahat naman tayo naging amateur dati… importante natututo at hindi inuulit ang parehong sablay.

Sa kusina, hindi problema kung mahina ka pa o kulang sa skills natututunan  yan. Pero kung magaling ka nga tapos pangit ...
08/02/2026

Sa kusina, hindi problema kung mahina ka pa o kulang sa skills natututunan yan.

Pero kung magaling ka nga tapos pangit ang attitude? Good luck sa career mo. Hindi ka tatagal.

Paulit ulit ko nang nakita yan.
May talento, pero walang respeto.
Mabilis matuto, pero ayaw tumanggap ng correction.
Merong nagpapanggap na marunong pero walang napatunayan
Magaling mag isa, pero sablay sa teamwork.
Mabilis kumilos pero sablay
May sipsip sa amo pro kulang sa kalidad
mapanigaw tigas pero dun lang pala magaling
magaling sa theory pero kulelat naman sa actual

Sa kusina, attitude ang no. 1 currency.
Skills and technicality susunod lang.
Kung maayos ka makisama, marunong makinig, at may disiplina at respeto may lugar ka kahit saan.

Ang na obserba ko sa may mga kalidad n kusinero sila yong tahimik lng nag tratrabaho nag kukunwari pero may tinatagong talento. Bulaga ka na lng sa linis ng trabaho at sa ganda ng gawa pero syempre first bite technicality check tayo dyan.

lesson:
Mas pipiliin ng kusina ang marunong makisama kaysa marunong magyabang.
Kung gusto mong tumagal, ayusin mo muna ang ugali at pakikitungo lalot bagohan pa sa industria ng pagkukusina.

Merry Christmas and Happy New Year 2026 πŸŽ‰πŸ₯‚Pasko at bagong taon na naman po syempre walang trabaho, busy na ang lahat sa ...
01/01/2026

Merry Christmas and Happy New Year 2026 πŸŽ‰πŸ₯‚

Pasko at bagong taon na naman po syempre walang trabaho, busy na ang lahat sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon na kasama ang buong pamilya sa kanilang tahanan. πŸŽ„πŸŽ‰β€οΈ

Sa mundo ng mga kusinero ibang iba ang realidad kami ay on duty. πŸ’ͺπŸ“

Pag holiday season kasi madaming events, reservations, caterings, food on tray, aside pa dyan may ala carte pa. Yong feeling na while nagluluto ka pero nasa isip mo ang saya saya na nila sa labas at nag imagine ka na sana ikaw din kasama mo buong pamilya mo na nagdidiriwang ng xmas at new year na nagluluto, inoman, kantahan, sayawan, shopping, kulitan at iba pa. Mapa sana all ka na lang. haha πŸ˜…

Hanggang Imagine lang yon. kasi wala kaming choice ang reality sa buhay kusinero kami ay nasa trabaho parin ang pressure high level at may ibat ibang demand. Ang mga kusinero ay parang makinarya na tuloy tuloy lang ang trabaho na walang pahinga walang tigil sa pag prepare at pagluto ng mga special na pagkain para sa handaan ng pamilya ng iba at sinisiguro na ang lahat ay quality, presentable, masarap at no delays sa mga delivery. At ng patapos na ang mga ganap kunti na lang ang mga orders nagmamadali ka na para maka uwi na at excited na sa pag uwi, Ngek paglingon mo sa orasan wala na tapos na ang pasko madaling araw na at tulog na ang lahat. Araaay koo.. next time na lang at matutulog ka na lang kasi pagod na din. So ganern ang reality taon taon sa experience ko. πŸ₯΄πŸ˜…

Saludo ako sa mga kusinero nag sakripisyo at nagtratrabaho pa din kahit pasko at bagong taon, para makapag bigay ng special at masarap na pagkain sa lamesa tuwing pasko at bagong taon. πŸ«°πŸ«‘πŸ‘¨β€πŸ³πŸŽ„πŸŽ…πŸŽ‰

Chef’s life πŸ‘¨β€πŸ³
13/12/2025

Chef’s life πŸ‘¨β€πŸ³

Respect the Prep Cook.” Hindi sila laging nasa harap. Hindi sila ang nagpa-plating, hindi sila ang nakikita ng guests, a...
13/12/2025

Respect the Prep Cook.” Hindi sila laging nasa harap. Hindi sila ang nagpa-plating, hindi sila ang nakikita ng guests, at hindi rin sila ang pinupuri ng management. Pero sila ang unang gising, unang pumuputok ang knife skills, unang nag-aayos ng foundation ng buong service. Kung sila ang unang gumagawa, sila rin ang unang dahilan bakit maayos ang takbo ng kusina.

Sa bawat gulay na pantay ang hiwa, sa bawat mise en place na kumpleto, sa bawat stock na steady, at sa bawat marinade na sakto prep cook ang dahilan. Hindi sila nagrereklamo kahit paulit-ulit ang trabaho. Hindi sila nag-iinarte kahit hindi glamorous ang task. At kahit yung mga chef na magagaling, aaminin: pag sabog ang prep, sabog ang buong brigade. Walang line cook na lilipad kung wala silang solid na foundation.

Kaya dapat sila binibigyan ng respeto. Hindi sila β€œhelpers” lang sila ang backbone. Hindi sila extra sila ang dahilan bakit hindi nauubusan ng ingredients, bakit smooth ang service, at bakit maganda ang output. Respect the prep cook, kasi sila ang tunay na invisible heroes ng kusina. πŸ”₯πŸ”ͺ

08/12/2025

Catering / 60 Pax
Christmas Party πŸŽ„πŸŽ…
Dec. 7, 2025

MENU

Pumpkin soup
Pork Adobo
Pork Liempo BBQ
Bagnet
Battered Fish Fillet
Seafood Chopsuey
Mix green in Balsamic Vinegar
Bread Roll
Ham Sandwich

Hometown Team Kowboy 😁😊
04/12/2025

Hometown Team Kowboy 😁😊

Address

Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya Jan's Kitchen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kuya Jan's Kitchen:

Share