27/09/2025
❎ balon dagupan
✅ alon dagupan
"An Open Letter to Belen T. Fernandez and to her colleagues at LGU:
I am Ivann, a BS Forestry Student from UPLB. Sana nakikilala niyo pa ako. ANG PAGBAHA SA DAGUPAN AY MAS LALONG LUMALALA KADA TAON! Hindi ibig sabihin na pinataasan niyo ang kalsada ay okay na at hindi na babaha. Ito pa ang nakakagigil, parang ginagawa niyong tanga ang mga Dagupeño by: (1) elevating roads tas ipapataas niyo rin yung drainage system (ang tanga lang); (2) pagpopost na tumutulong kayo sa mga apektado ng baha na “band-aid solutions” lang din ft. faces nila (trapo ng dating); (3) pagpapaniwala sa tao na normal ito sa Dagupan City by calling it as a “catch basin”; (4) walang kuwentang pagbisita sa mga apektado ng baha kasi wala namang solusyon na ginagawa.
ENGINEER-BASED SOLUTIONS ARE ALL BAND-AID SOLUTIONS IF THE ENVIRONMENTAL EXPERTS WILL NOT BE INCLUDED!
Hindi niyo pa sinasama sa mga ganitong usapin ang DENR-CENRO na para bang wala silang alam sa mga: (1) Watershed Management (since outlet ang Dagupan, we should be included); (2) Afforestation and Reforestation (dump site issues); (3) Urban Forestry Planning (THE WHOLE CITY ITSELF). NAPAKAHALAGA ng mga nito for flood control projects which are nature-based solutions.
Bilang manggugubat ng bayan, panawagan namin ang magkaroon nang tama at agarang solusyon sa mga nangyayari ngayon. Dapat imbestigahan ang flood control projects dyan sa Dagupan!
Hindi man ako apektado, pero apektado ang syudad kung saan ako lumaki.
Sana kapag nag-point out kayo ng mga rason tungkol sa lumalalang baha ay sana may KAAKIBAT DIN NA KONGKRETONG SOLUSYON!
BALON DAGUPAN = LUBOG DAGUPAN
KALAMPAGIN ANG CITY HALL NANG DAHIL DITO!
Also, yung mga NAKAUPO SA SK, ANO NA MGA KABATAAN??? Pangangalagaan niyo pa ba ang koneksyon niyo kaysa sa kalagayan ng taong bayan??? NAHALAL PA KAYO KUNG HINDI RIN KAYO BOBOSES. MAKIALAM. MAKISANGKOT. BUMOSES PARA SA BAYAN!"
-Ivann G. Pedrozo