19/01/2026
CANORECO Balita | Pinahusay na Online Pre-Membership Seminar ng CANORECO, Mas Mabilis at Mas Madali na
Pinahusay ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ang Online Pre-Membership Seminar (PMS) upang gawing mas mabilis, mas madali, at mas accessible ang proseso para sa mga aplikante ng bagong power connection.
Sa online PMS, manonood ng video presentation at sasagot sa quiz. Kinakailangan ang minimum na 15 puntos upang makapasa. Pagkatapos nito, agad nang maaaring i-download at i-print ng aplikante ang PMS Certificate, na isa sa mga pangunahing requirements sa aplikasyon ng bagong koneksyon—hindi na kailangang maghintay ng email confirmation.
Sa pag-attend ng online PM, pumunta sa opisyal na website ng CANORECO (www.canoreco.com.ph) at i-click ang “New Connection” pagkatapos ay “PMS Application.”
Layunin ng inisyatibong ito na higit pang mapabilis at mapahusay ang serbisyo ng kooperatiba sa mga nagnanais maging bagong Member-Consumer-Owners ng CANORECO.
Maaaring ring dumalo sa onsite PMS na ginaganap tuwing Biyernes, 9:00 AM, sa 2nd Floor CANORECO Building, Area 1 Office, Daet.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official page na CANORECO at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph