30/08/2026
My son
𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝟐𝐧𝐝 𝐍𝐨𝐦𝐢𝐧𝐞𝐞 𝐧𝐠 𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲?
Mga minamahal naming kapatid, kaibigan at kabarkada, kilalanin natin ang 2nd Nominee ng BEST PARTY, 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗠𝗮𝗿𝗼𝗵𝗼𝗺𝘀𝗮𝗿 “𝗠𝗮𝗿𝗸” 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗚𝗮𝘆𝗮.
Isang Computer Engineer, Master of Public Administration, Community Development Worker nang mahigit isang dekada, at Early Warning and Early Response Practitioner, matagal nang nakikisalamuha si Mark sa iba’t ibang komunidad sa Bangsamoro.
Sa kanyang paglilingkod, nakita niya mismo ang realidad na kinakaharap ng maraming pamilya—kahirapan, kaguluhan, kakulangan ng oportunidad, at mga serbisyong hindi palaging nakararating sa mga higit na nangangailangan. Dito lalong nahubog ang kanyang paniniwala na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang ginagawa sa loob ng opisina. Kailangang pumunta sa komunidad, makinig sa mga tao, unawain ang kanilang kalagayan, at kumilos kasama nila.
Bilang isa sa mga Regional Officers ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS), naging bahagi siya ng mga gawaing nakatuon sa public safety, conflict prevention, early warning and early response, at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.
Sa pagpunta niya sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro, isang bagay ang naging malinaw sa kanya: ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng kaguluhan. Ang pangmatagalang kapayapaan ay kailangang samahan ng edukasyon, kabuhayan, oportunidad, seguridad, at isang pamahalaang marunong makinig at tumugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Ngayon, dala niya ang mahigit isang dekadang karanasan sa community development at paglilingkod sa mas malaking hamon. Bilang Secretary-General at 2nd Nominee ng BEST Party, nais niyang maging bahagi ng isang bagong henerasyon ng mga lider—mga lider na hindi lamang nangangako, kundi nakikinig, kumikilos, at handang makipagtulungan sa mamamayan.
Ito ang diwa ng 𝗕𝗘𝗦𝗧 Party.
𝗕𝗘𝗦𝗧 effort, 𝗕𝗘𝗦𝗧 service, 𝗕𝗘𝗦𝗧 leadership, para sa Moro, Settlers, at Indigenous Peoples.
Datu Marohomsar “Mark” A. Gaya—isang kabataang lider at community development worker na naniniwalang ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pakikinig, pakikiisa, at pagkilos.
Secretary-General and 2nd Nominee ng BEST PARTY.
𝐈𝐛𝐨𝐭𝐨! 𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲, 𝐍𝐎. 𝟑 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐎𝐓𝐀!