31/08/2026
We often see posts reminding everyone about proper waste disposal at home, especially ngayong panahon ng habagat at baha. And yes, malaking bagay talaga ang tamang pagtatapon ng basura at disiplina ng bawat isa.
Pero sana, maalala rin natin na hindi lang households ang may responsibilidad, pati businesses. 🤍
As business owners, may bahagi rin tayo sa pagpapanatiling maayos ng ating drainage at paligid. Proper disposal of used oil, grease, and food waste may seem like a small thing, pero malaking epekto nito kapag napunta sa mga kanal at drainage.
As a business, we also do our part by following proper guidelines and practicing proper waste management. Since our location is in a lower-lying area, we are also more vulnerable to flooding and drainage problems, especially during heavy rains.
Kapag nagkaroon ng pagbabara sa drainage, hindi lang isang establishment ang maaaring maapektuhan. Maaari rin itong makaapekto sa ibang businesses at mga bahay na nasa paligid, at maaari ring magdulot ng damage at dagdag gastos sa mga kailangang magpaayos o magpalinis.
Kaya isang maliit na pakiusap sa ating mga kapwa business owners at sa bawat household: maging responsable tayo sa ating waste at sa epekto nito sa ating community.
We can all help, whether at home or in our businesses. 🤍
Disiplina sa bahay, disiplina rin sa negosyo.
Maliit man ang ginagawa ng bawat isa, malaking bagay kapag sama-sama.